Pumalag ang Manila Electric Company (Meralco) sa ginagamit na dahilan upang pigilan ang pag-renew sa prangkisa nito.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco hindi ang kompanya ang nagtatakda ng weighted average cost of capital (WACC), na isa sa mga batayan ng singil sa kuryente.
Iginiit ni Zaldarriaga na hindi rin company-specific ang pagtatakda ng WACC kundi ipinatutupad ito sa lahat ng pribadong distribution utilities (DU) na magkasama sa kategorya.
Ayon kay Zaldarriaga ang pagtatakda ng WACC ay isang regulatory function at nasa ilalim ng Performance-Based Regulation (PBR) na ginagamit hindi lamang sa mga DU kundi maging sa National Grid Corporation of the Philippines.
"I would like to reiterate that as a highly regulated entity, Meralco strictly adheres to the rules governing its operations and franchise and the rates we implement always have prior approval from the regulator," sabi ni Zaldarriaga.
Ayon din kay Zaldarriaga hindi nagbago ang WACC ng Meralco mula pa noong Hulyo 2015 dahil hindi pa natatapos ang regulatory rate reset.
Sinabi ni Fernandez na mataas ang singil ng Meralco dahil nananatili sa 14.97% ang WACC nito.
Para sa mambabatas ay nabigo ang Energy Regulatory Commission (ERC), ang regulator ng Meralco na gawin ang mandato nito na proteksyunan ang mga konsyumer sa pamamagitan ng pagtiyak na pinakamura ang presyo ng kuryente.
"ERC must protect consumers. Meralco must provide electricity at the very least cost," sabi ni Fernandez. "But it's not being done."
Tinatalakay ng House Committee on Legislative Franchises ang mga panukala na i-renew ang prangkisa ng Meralco ng 25-taon.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment