Nilinaw ni Senate President Francis "Chiz" Escudero na hindi siya makikialam sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa confidential documents na nagsasabingsangkot si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa ilegal na droga.
Sa isang panayam, sinabi ni Escudero na nasa kamay ni Senador Ronald "Bato" Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, kung paano ang gagawin ang imbestigasyon.
"Sinabihan ko siya na opsyon niya palagi habang recess na maghain na ng resolution at sa una o pangalawang araw lamang ng pag-resume namin, ire-refer namin sa komite niya para 'di na makuwestyon ninuman ang pagdinig niya at mabigyan linaw nang konti ang pagdinig niya," ayon kay Escudero.
"Pero kaugnay sa pagpigil, walang ganong intensyon," dagdag niya.
Naiulat na isa sa umano kadahilanan kung bakit napatalsik si dating Senate President Juan Miguel "Migz" Zubiri ay ang PDEA leaks na nagsiwalay na sangkot umano si Marcos sa illegal drugs kasama ng isang babaeng artista.
Ngunit, kumampi ni Dela Rosa kay Escudero saka inilaglag ang grupo ni Zubiri na tinaguriang Solid 7, kung saan dumalo ito sa isang dinner sa Palasyo kasama ang first family, maging sina Senador Win Gatchalian at Loren Legarda pagkatapos ng kudeta.
Inamin din ni Escudero, dumalo din sa dinner sa Palasyo, siya ang nagpasimuno ng pagpapatalsik kay Zubiri saka nilinaw na hindi PDEA leaks na nag-uugnay kay Marcos at Maricel Soriano ang dahilan kung bakit napatalsik si Zubiri.
"Kaya nga naging emosyonal si Senator Bato, dahil ang sinasabi, siya daw ang dahilan kung bakit natanggal. Nung nakausap ko nga si Senator Bato, sabi ko, kung ikaw ang dahilan, ikaw na lang sana ang tinanggal namin, bakit si Senator Zubiri pa," wika ni Escudero.
"Pero hindi po 'yun ang dahilan and hindi 'yun ang rason kung bakit," giit ni Escudero na hindi pa pinalawig ang dahilan kung bakit natanggal si Zubiri.
Nagsabi si Zubiri na kaya siya napatalsik sa pwesto dahil hindi nito sinunod ang "powers that be."
Umiyak si Dela Rosa sa privilege speech ni Zubiri sa pagbibitiw nito sa pwesto matapos nitong (Bato) lagdaan ang resolusyon na nagpapatalsik sa dating lider ng Senado.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment