Muling binuksan ni Yen Santos ang comment section ng kanyang Instagram.
Ito ang nadiskure ng mga netizen nang makitang hindi na naka-limited mode ang comment section ng IG nito.
Sa close selfie posting nito sa kanyang Instagram na may caption na "happy sun day", makikitang maraming comment sa post nito. Dati ay restricted at wala ni isang reaksyon mula sa mga netizen.
Ikinatuwa ng mga netizen ang pagbukas ni Yen ng comment section niya.
Pero, niratrat si Paolo Contis na sey nila'y deserve raw nitong mahiwalayan ni Yen kung totoo man.
Dahil lumayo si Yen sa showbiz mula nang ma-link kay Paolo, hinihikayat siya ng kanyang mga faney na bumalik na ito sa showbiz lalo na sa mga teleserye.
Sinusulat ang item na ito wala pang kumpirmasyon o pahayag si Yen sa sinasabing hiwalayan nilang dalawa.
Wala ring paglilinaw si Paulo tungkol dito.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment