Tahasang sinabi ng isang kongresista na sinasayang lamang ng Senado ang pera ng bayan sa pagsisiyasat sa isyu ng 'PDEA leaks''
Sinabi ni Deputy Majority leader at Iloilo Rep. Janette Garin na imbes na magbigay umano ng linaw ay lalo lamang nagbigay ng kalituhan sa taumba¬yan ang imbestigasyon sa nasabing isyu.
"It's okay to do investigations pero dapat iyong mga impormasyon na inilalatag ay totoo, nakitaan ng ebidensiya at talagang may direksiyon because at the end of the day you are wasting taxpayers' money," ayon ka Garin kasabay ng pagsasabing, "Apparently in the Senate investigation on PDEA leaks, what we are seeing is a confused narrative."
Giit pa ni Garin, "Ang Senate hearings, Congressional hearings are actually paid by taxpayers' money. Kaya kapag may mga imbestigasyon ang importante ditong masagot ay san ba ito patutungo? Ano ba magiging benepisyo ng taong bayan? Ano ba 'yung mga batas na kailangang gawin o mga batas na kailangang baguhin para matugunan at hindi maulit 'yung mga problemang nakikita?"
Dahil na rin dito, apela ng kongresista sa liderato ng Senado na magsalita at linawin nito ang tunay na direksiyon at posisyon ng liderato kaugnay sa ginagawa nitong imbestigasyon.
ATTY. EDNA DEL MORAL
No comments:
Post a Comment