Pinapayagan na ng social media platform na "X" (dating Twitter) ang pagpo-post ng X-rated content, ayon sa CEO ng X na si Elon Musk.
Sa isang ulat, inupdate umano ni Musk ang panuntunan ng X patungkol sa adult content.
Hindi kagaya ng panuntunan ng Facebook at Instagram na binubura agad ang mga X-rated content, sa X puwede.
Dahil pwede ang X-rated content sa X, mas lalo pang pinagtibay ni Musk ang pagpapahintulot na mai-post ang mga sexual content "as long as it is consensually produced and distributed adult nudity or sexual behavior."
Makikitang sa guidelines ng X, ang "sexual expression," visual man o written ay isang "artistic expression."
Nakadepende naman sa setting ng X account ang panonood ng adult content.
Hindi rin puwede ang X-rated content sa mga bata sa naturang platform.
FAITH N. DINGLASAN - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment