Nakipag-alyansa na ang mga sindikatong Chinese sa mga kriminal sa Pilipinas para sa kanilang operasyon sa bansa.
Ito ang isiniwalat ng mga security at law enforcement agencies sa executive session sa mga senador noong Miyerkoles. Tinalakay sa closed-door meeting ang posibleng koneksiyon ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa mga sindikatong nagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban.
"Ito ang nakakatakot, pati 'yung local crime syndicates natin ay nakikipagtrabaho na sila sa mga local crime syndicates, so meron sila mga foreign ito karamihan ito mga Chinese mga sindikato ito at meron na silang koneksiyon ngayon sa mga lokal na sindikato," paglalahad ni Sen. Sherwin Gatchalian sa interview ng TeleRadyo Serbisyo.
"Kinabahan ako, kinilabutan ako, kasi ibig sabihin lumalalim na ang galamay ng POGO," anang senador.
Aniya, naglabas din umano ng ebidensiya ang ilang ahensiya ng gobyerno laban kay Mayor Guo.
"Kampante ang ating law enforcement agencies… na naging 'enabler' ng POGO si Guo at pagpasok nitong POGO dito sa ating bansa. Merong ebidensiya ang mga enforcement agencies pagdating diyan," ani Gatchalian.
Itinanggi na ni Mayor¬ Guo na konektado siya sa ni-raid na POGO hub sa Bambam kamakailan.
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment