Nais malaman ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kung ano na ang nangyari sa pangako ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na wawalisin ang mga ilegal na gambling website.
Sinabi ni Villafuerte na sa isang confirmation hearing ng Commission on Appointments (CA) para kay DICT Secretary Ivan John Uy ay tiniyak nito na ipasasara ng gobyerno ang mga ilegal na gambling website at kakasuhan ang nasa likod ng operasyon ng mga ito.
"We would like to know from the IT expert Secretary Ivan (Uy) what the DICT, on his watch, has done so far as regards his 2022 commitment to close down the illegal online gaming sites and then throw the books at these POGOs that have been operating their homepages without Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corp.) permits," sabi ni Villafuerte.
Sa naturang pagdinig, iminungkahi ni Villafuerte kay Uy na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa pagtugis sa mga ilegal na online gaming site.
Ayon sa Pagcor, 46 na lamang ang POGO na mayroong lisensya upang makapag-operate sa bansa.
Nagpahayag din ng suporta si Villafuerte sa posisyon ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mga legal na POGO lamang ang payagan na makapag-operate at dapat ipasara ang mga ilegal ang operasyon.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment