Kinasuhan ni Dominic Roque ng cyberlibel si Cristy Fermin nitong Biyernes, Mayo 31. Sa ulat ng entertainment correspondent ng GMA Integrated News na si Nelson Canlas, nagtungo si Dominic sa Office of the City Prosecutor ng Pasig City kung saan nito s… | Headlines Ngayon June 2 | Kinasuhan ni Dominic Roque ng cyberlibel si Cristy Fermin nitong Biyernes, Mayo 31. Sa ulat ng entertainment correspondent ng GMA Integrated News na si Nelson Canlas, nagtungo si Dominic sa Office of the City Prosecutor ng Pasig City kung saan nito sinampahan ng reklamong cyberlibel ang online talk show host. Ang mga "malicious statement and innuendo" diumano na sinabi ni Cristy sa kanyang online show na "Showbiz Now Na" ang naging basehan ni Dominic para sampahan ito ng kaso. Matatandaang noong Pebrero 2024 ay naglabas ng pahayag ang mga abogado ni Dominic laban sa mga ulat ni Cristy na tinawag nilang "malicious and defamatory", na sinagot naman ng host sa kanyang show. Samantala, noong Mayo 2 lang ay kinasuhan si Cristy ng cyberlibel ng dating fiancée ni Dominic na si Bea Alonzo, at nasundan naman ito ng isa pang cyberliber complaint mula naman sa mag-asawang Sharon Cuneta at dating Senador Francis "Kiko" Pangilinan. ATTY EDNA B. DEL MORAL | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment