Malakas ang ebidensiya ng gobyerno laban sa mahigit 70 individuals na sangkot sa anti-illegal drugs operation sa Tondo, Manila kung saan 990 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion ang nasamsam.
Ito ang ibinunyag ni Department of Justice Assistant Secretary at spokesperson Atty. Mico Clavano sa mga mamamahayag sa Zoom session Huwebes ng hapon.
Ayon kay Clavano, mismong si Pangulong "Bongbong" Marcos ay binabantayan ang development ng kaso.
"Malakas po ang ebidensya, especially nagtutulungan lahat ng ahensya ng gobyerno pati narin si Presidente ay nakatutok dito sa kasong ito dahil ito nga ay isa sa sinasabi niyang new forms or new look ng ating drug war," ani Clavano. "So with the evidence and the testimonies of our witnesses, pati na rin 'yung mga coordination meetings that we regularly hold, sa tingin ho natin malakas ang ebidensya."
Ang DoJ ay nagsasagawa ng preliminary investigation sa dalawang complaints na isinampa ng National Police Commission (NAPOLCOM) at ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa 74 respondents.
Ang anti-drug operation ay ginawa October 8, 2022, kungsaan nasamsam ang 990 kilos shabu, nagkakahalaga ng P6.7 billion, sa isang lending office na umano'y pag-aari ni Master Sergeant Rodolfo Mayo.
Kaugnay nito, Oktubre 15, may karagdagang 42 kilograms ng shabu (P285,600,000) galing din sa raid sa Tondo, ang nadiskubre sa possession ng 2 police officers.
Ang supplementary complaint ay bunga ng Fact-Finding Inquiry Report sa Mayo Drug Bust Case na isinumite ng NAPOLCOM kasunod ng imbestigasyon sa umano'y anomalya sa operasyon.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment