Nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kanya si San Miguel, Bulacan Vice Mayor John "Bong" Alvarez.
Ito ay matapos hagisan ang kanyang sasakyan ng granada at ang kanyang convoy ngunit hindi sumabog.
Ayon kay Alvarez, nangyari ang insidente bandang alas-12:00 ng tanghali nitong Hunyo 4 habang papunta siyang munisipyo para sa sesyon.
Nagulat na lamang siya kasama ang kanyang pamilya nang pagliko patungong munisipyo ay hinagisan sila ng riding-in-tandem ng granada.
Pagkatapos nito'y hinabol pa raw ng mga bodyguard ni Alvarez ang mga suspek pero pag-abot nila ng may kalahating kilometro ay muli silang hinagisan ng granada. Hindi rin sumabog ang granada ngunit nakatakas ang mga suspek.
Ani VM Alvarez, hindi ito ang unang beses na pinagtangkaan siyang patayin.
Taong 2012 ay binalak na raw siyang patayin kung saan tinambangan sila na ikinamatay ng dalawa niyang kasama.
Wala raw siyang alam na dahilan para pagtangkaan ang kanyang buhay.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment