Inaresto ng mga elemento ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang apat na pulis kabilang ang isang major sa pagkidnap sa tatlong Chinese at Malaysian nationals sa Pasay City noong Linggo.
Kinilala ni PNP Chief, General Rommel Marbil, ang inaresto na sina Major Christel Carlo Villanueva, intelligence officer ng Pasay City Police; SMS Agelito David, nakatalaga sa Makati City Police Motorcycle Unit; MSG Ricky Tabora, nakatalaga sa Regional Headquarter Support Unit, NCRPO; SSG Ralph Tumaguil, nakatalaga sa Regional Logistics Division NCRPO; habang pinaghahanap pa ang walong sibilyan na kasabwat ng mga ito.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Yang Zhuan Zhua, 31; Meng Zhao, 29; Zhi Yi Huan, 32, pawang Chinese nationals; at Tang Heng Fei, 25, isang Malaysian.
Ayon kay Marbil, 8:45 ng umaga nang maganap ang pagkidnap sa tapat ng Laverte Condominium sa Taft Ave, Brgy. 46, Pasay City.
Nabatid na sakay ang 4 na dayuhan sa isang Lexus (NEC 1765) na mimamaneho ni Meng Zhao, nang harangin ng isang motorcycle na may blinker at nakasuot ng asul at itim na jacket, na nakilalang si SMS David.
Hinanapan ng driver license ng nasabing pulis ang driver ng SUV, at biglang dumating ang isang kulay silver white na Toyota Hi Ace van at tinutukan at pinosasan ang 4 na biktima.
Sapilitan isinama si Yag Zhuan Zhuakay ng mga pulis at ang 4 na biktima, ngunit nagawa makatakbo at makatakas nina Yang Zhua Zhua at Meng Zhao, habang nakidnap sina Zhi Yi Huan at TangHeng Fei.
Nakahingi ng tulong ang dalawang nakatakas na dayuhan at naipagbigay-alam sa mga otoridad ang insidente.
Samantala, pinalaya sina Yi Huan at Heng Fei ng mga salarin nang makapagbayad ng P2.5 million ransom money ang kanilang kamag-anak June 3, 2024 ng umaga.
Sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad at pag-backtraking sa kuha ng mga CCTV footage, natukoy na si David na sakay ng motorsiklo ang humarang sa sinasakayan ng mga biktima. Gayundin ang pagkakakilan ng 3 pang pulis kabilang si Major Villanueva.
Sinampahan ang 4 na pulis 'Kidnapping with ransom', 'Robbery' at 'Carnapping' sa Pasay City Prosecutor Office.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment