Para sa pagdiriwang ng LGBT Pride Month. Tampok ang real-life na sina Ice Seguerra at Liza Diño-Seguerra sa isang kalaibang Stage Play na pinamagatang "CHOOSING ( Not A Straight Play)," directed by Anton Juan.
Isa itong stage play tungkol sa istorya ng isang couple na dumaan sa madaming pagsubok dahil sa kanilang gender identity at napagtagumpayan ang pagmamahalan nila sa isa't-isa.
Matagal-tagal na rin nating hindi nakitang umakting sa stage ang magaling na actress na si Liza Diño. Dito ay buong tapang niyang ipinakita ang kanyang galing at talento sa pag-akting. Gayundin naman si Ice Seguerra na hindi matawaran ang galing hindi lang sa pagkanta maging sa kanyang pag-arte.
Very natural ang acting ng dalawa dahil very relatable sa dalawa ang karakter na kanilang ginampanan.
Ipinakita sa stage play ang conflict ng mga couple na miyembro ng LGTBT commumity.
Sa katatapos na opening run ay halos mapuno ang Power Mac Spotlight Blackbox Theater, Circuit Makati, sa dami ng mga makasaksi sa kakaibang stage play na ito. Pinaiyak at pinatawa nina Ice at Liza ang mga audience sa kakaiba at kakatwa nilang mga eksena.
Naging emosyonal sina Ice at Liza sa stage play na ito dahil aminado naman ang dalawa na some of the scenes ay base sa kanilang tunay na karanasan. Isinulat ni Liza ang stage play nito kaya siguradong swak sa eksena ang bawat dialogue ng dalawang karakter .
Sa pagtatapos ng stage play ay nagpalakpakan ang lahat sa ganda ng stage play at galing ng pag-arte nila Ice at Liza.
Sa mga nais manuod ng stage play nina Liza at Ice nasa ibaba ang araw at oras ng kanilang mga upcoming shows:
June 29, 30 3pm and 8pm
July 6 3pm and 8pm
July 7 2pm, 4:30pm and 8pm
Tocket Prices:
Platinum 1,500
Gold 1,300
Silver 1,000
No comments:
Post a Comment