Sinabi ng Supreme Court (SC) na iimbestigahan nito ang alegasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na posibleng may mga miyembro ng hudikatura na nagsisilbing "mata" sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Ayon kay SC Spokesperson Atty Camille Ting, iimbestigahan ng SC ang nabanggit na alegasyon ng PAOCC matapos na "masunog" ang operasyon nito sa Porac, Pampanga.
Nauna rito ay sinabi ni PAOCC Spokesperson Dr. Winston Casio na hindi sila nakapasok sa lugar dahil binawi ng judge ang naunang ipinagkaloob na warrant sa PAOCC.
The court withdrew the warrant due to technicalities as the warrant did not specify the individuals and items that would be searched,"ayon kay Casio.
"Kami po ay nakiusap sa judge… sabi namin sa kanya, look beyond the technicality, focus on the merits. Unfortunately, she did not rule based on the merit kaya dineny niya. Ni-reverse niya po. Reverse then denial,"dagdag ni Casio.
Napag-alaman na maging ang Senado ay magsasagawa na rin ngayon ng imbestigasyon sa usapin na posibleng may mga kasabwat na sa hudikatura ang operasyon ng POGO kaya nagkaka-problema sa raid laban dito.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment