Inilarawan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na "act of war" sa sandaling mayroong serviceman o Filipino na masawi sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sinabi ng Pangulo sa question and answer sa 2024 IISS Shangri-La Dialogue, kung saan tinanong siya kung maikokonsidera na "crossing the red line" kapag ang isang sailor o mandaragat ay napatay dahil sa cannon attacks ng China Coast Guard sa pinag-aagawang teritoryo.
"If there is an incident that ended up killing a Filipino serviceman, be they a Coast Guard o military, part of the Navy, that would certainly increase the level of response,", ayon sa Pangulo.
Giit pa ng punong ehekutibo, kapag sinasadya maging ito man ay servicemen o Filipino citizen na napatay ay maituturing itong act of war.
"If by a willful act, a Filipino, not only servicemean or any Filipino citizen, if a filipino citizen is killd by a willfull act, that is I think a very very close to what we define us act of war," giit pa ng Pangulo.
Kapag nangyari ito ay agad anyang tutugon ng naayon ang gobyerno sa ganitong insidente.
Nauna na rin sinabi ni Pangulong Marcos na hindi gagamit ng water cannon ang gobyerno ng Pilipinas bilang pagdepena sa teritoryo ng bansa.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment