Nais magsampa ng mga reklamong tax evasion ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa.
Ito ay dahil sa pagkaka-link nito sa isang ni-raid na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa naturang bayan.
"As far as we are concerned po, may mga nakita kaming violations niya… mga administrative, actually. Mga tax evasion charges kakasuhan po natin siya," saad ni spokesperson Winston Casio sa isang ambush interview.
"Maaaring sampahan din po namin siya ng mga violation ng securities regulation code, maging 'yung mga opisyales nung Hong Sheng, at saka Zun Yuan, Baofu," aniya pa.
Nang tanungin kung magkano ang mga buwis na kasangkot, sinabi ni Casio na hindi pa niya ito ma-quantify.
"Pero malaki po. Kita mo naman ang lifestyle ni mayora," aniya pa.
Ayon pa kay Casio, hindi na sila magsasampa ng reklamo para sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Guo dahil mayroon na.
Matatandaan na nauna nang nagsampa ng mga reklamong graft ang Department of the Interior and Local Government laban kay Guo dahil sa umano'y pagkakasangkot nito sa POGO hub.
Nauna rito, sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Guo at dalawang iba pa ng hanggang anim na buwan.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment