Daily Mail PH

Tuesday, June 4, 2024

NAGPROTESTA ANG GRUPO NG MGA KABATAAN LABAN SA AGRESIBONG AKSYON NG CHINA SA WPS

Nagsagawa ng die-in protest at lighting rally ang ibat-ibang sektor ng kabataan upang ipakita ang mariing pagkondena sa agresibong aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS) at sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng PIlipinas. Panawagan ng gru…
Read on blog or Reader
Site logo image http://headlinesngayonblog.wordpress.com Read on blog or Reader

NAGPROTESTA ANG GRUPO NG MGA KABATAAN LABAN SA AGRESIBONG AKSYON NG CHINA SA WPS

Headlines Ngayon

June 5

Nagsagawa ng die-in protest at lighting rally ang ibat-ibang sektor ng kabataan upang ipakita ang mariing pagkondena sa agresibong aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS) at sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng PIlipinas.

Panawagan ng grupo kasama ang bagong tatag na Alyansa Bantay kapayapaan at Demokrasya (ABKD) na naglunsad ng protesta sa harapan ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas ang pagbasura sa isinasagawang agresibong aksyon ng Tsina tulad ng ibababang bagong regulasyon kung saan hindi na lamang pagbabawalan ang mga mangingisdang Filipino kundi nagbibigay kapangyarihan sa China Coast Guard na hulihin at ikulong ang sinumang papasok sa binabantayan at pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea simula sa Hunyo 15 dahil sa pagiging "trespassers" aniya nila sa 9-dash line.

Ilan lamang sa mga katagang nakalagay sa mga banners at tarpaulin na bitbit ng grupo ay, "China are the trespassers in the WPS not the Filipino fisherman," "China stop illegal regulation in WPS now," "We stand and protect PBBM! Filipinos do not yield," "China stop aggressive action in WPS now!" at "Hindi Kami Pasisiil! China alis sa WPS."

"Ang sinasabing nasasakupan nila ay maliwanag na nakapaloob sa ating economic exclusive zone –nakapaloob sa 200 nautical mile na tinatawag natin at sinasabi mismo sa ating konstitusyon na kailangang protektahan ang ating estado—kailangan nating protektahan ang mga Filipino," binigyang-diin ni Rodolfo "RJ" Villena Jr, ang tagapagsalita ng ABKD sa panayam ng mga mamamahayag.

Sinabi pa ni Villena na maituturing na isa lamang itong pananakot sa ating mga mangingisdang Pilipino at hindi ito makakatulong para maresolba ang hindi pagkakaunawaan at magpapataas lamang ng tensyon sa pinag-aagawang mga teritoryo sa WPS.

Nanawagan din ang grupo na igalang ng China ang 1982 United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Tribunal Ruling at huwag ng ituloy ang pagpapatupad ng bagong regulasyon.

Nanawagan din ang ABKD sa mga Pilipino at matataas na lider ng bansa na magkaisa at suportahan ang lahat ng programa at polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdiand Marcos Jr hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan sa WPS at sa loob ng ating EEZ.

Bilang pagpapakita pa ng kanilang mariing pagkondena, ibinasura ng mga nagpro-protesta ang mga larawan na nagsasalarawan ng bagong regulasyon ng Tsina at iba pa bilang pagpapakita na hindi magpaparaya ang mga Pilipino at sa manlulupig ay hinding-hindi pasisiil.

ATTY EDNA B. DEL MORAL

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

http://headlinesngayonblog.wordpress.com © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at June 04, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026

CG BOSS Blog Post Updates ...

  • [New post] 5 Key Technologies Streamlining the Crypto User Experience
    ...
  • CG BOSS Posts from Gargoyles Reboot thanks to creator kept it alive | CG BOSS Games for 04/26/2026
    CG BOSS Blog Post Updates ...
  • Why is Ninoy Aquino Day important to you? Join Rappler’s chat on August 21!
    Hi daily! Who is Ninoy Aquino to you? What lessons from his life still spea...

Search This Blog

  • Home

About Me

Daily Newsletters PH
View my complete profile

Report Abuse

Labels

  • Last Minute Online News

Blog Archive

  • April 2026 (1)
  • February 2026 (1)
  • January 2026 (7)
  • December 2025 (8)
  • November 2025 (4)
  • October 2025 (2)
  • September 2025 (1)
  • August 2025 (2)
  • July 2025 (5)
  • June 2025 (3)
  • May 2025 (2)
  • April 2025 (2)
  • February 2025 (2)
  • December 2024 (1)
  • October 2024 (2)
  • September 2024 (1459)
  • August 2024 (1360)
  • July 2024 (1614)
  • June 2024 (1394)
  • May 2024 (1376)
  • April 2024 (1440)
  • March 2024 (1688)
  • February 2024 (2833)
  • January 2024 (3130)
  • December 2023 (3057)
  • November 2023 (2826)
  • October 2023 (2228)
  • September 2023 (2118)
  • August 2023 (2611)
  • July 2023 (2736)
  • June 2023 (2844)
  • May 2023 (2749)
  • April 2023 (2407)
  • March 2023 (2810)
  • February 2023 (2508)
  • January 2023 (3052)
  • December 2022 (2844)
  • November 2022 (2673)
  • October 2022 (2196)
  • September 2022 (1973)
  • August 2022 (2306)
  • July 2022 (2294)
  • June 2022 (2363)
  • May 2022 (2299)
  • April 2022 (2233)
  • March 2022 (1993)
  • February 2022 (1358)
  • January 2022 (1323)
  • December 2021 (2064)
  • November 2021 (3141)
  • October 2021 (3240)
  • September 2021 (3135)
  • August 2021 (1782)
  • May 2021 (136)
  • April 2021 (294)
Simple theme. Powered by Blogger.