Naaresto nitong Martes ng Bureau of Immigration (BI) ang 37 Chinese nationals na umanoy may kinalaman sa illegal retail sa Parañaque.
Sa ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, sinabi ni intelligence division Chief Fortunato Manahan, Jr. na ang 37 Chinese nationals ay naaresto sa loob mismo ng Multinational Village in Parañaque noong hapon ng June 4.
Kabilang sa mga naaresto ay pitong babae at 30 lalaki na napag-alamang may kaugnayan sa illegal food retail, groceries, at restaurants sa nasabing lugar.
Sinabi ni Tansingco na ang pagkakaaresto ng nasabing bilang ng mga dayuhan ay nag-ugat sa intelligence reports na natanggap ng kanyang tanggapan tungkol sa mga foreign nationals na iligal na nagtatrabaho sa loob ng subdivision.
"We received credible information about foreign nationals engaging in illegal retail activities, and our team acted swiftly to address these violations," pahayag ni Tansingco.
"This operation is part of our ongoing efforts to uphold the integrity of our immigration laws and protect local businesses from unfair competition."
Lahat ng 37 dayuhan ay ikukulong sa BI's facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang pending ang resolution ng mga deportation cases na isasampa laban sa mga ito.
Muli ay sinabi ni Tansingco, "The Bureau of Immigration will not tolerate illegal work practices and will continue to take necessary actions against those who violate our laws."
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment