Nagbabala si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga pulis na walang mataas sa batas at maaaresto rin sila.
Inihayag ito ng kalihim matapos hatulan ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 121 ang apat na pulis na sangkot sa pagpatay sa isang mag-ama kaugnay ng isinagawang anti-illegal drugs operation noong 2016.
Tinawag ni Remulla na patunay lamang ito na binabantayan ng pamahalaan ang karapatang pantao ng mga mamamayan at gumugulong ang hustisya sa bansa.
"This serves as a reminder to abusive police officers that no one is above the law, justice will eventually catch up with them," ani Remulla.
Nagpasalamat din ang DOJ chief sa mga prosecutor dahil sa matagumpay na pag-usig sa mga akusado sa nasawing mag-ama.
Ayon kay Remulla, maituturing din ito na tagumpay laban sa "irregularities" ng giyera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment