Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang unang 'draft' ng 'legal brief' para kay Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. kung saan nakapaloob ang iba't-ibang options, kabilang na ang posibilidad na muling pagsapi sa Rome Statute kaugnay sa nakaambang pagpapalabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.
Sinabi ni Assistant Secretary Mico Clavano na "meron na po tayong first draft of the legal brief which will be vetted by the Undersecretaries and the Secretary himself so that we will not forget anything. Wala po tayong anggulo na hindi titingnan."
Aniya, ang naturang draft ay masusing nirerebisa ng mga opisyal ng DOJ, kabilang na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bago ibigay kay Pangulong Marco mismo.
Ang nasabing legal brief ay magkakaloob ng komprehensibong kaalaman kay Pangulong Marcos para maunawaan ang sitwasyon sa sandaling mag-isyu ang ICC ng arrest warrant laban kay Duterte.
Kasama sa nilalaman ng legal brief ang legalities, options at potensiyal na remedyo, dahil kinakailangan umano na maiprisinta lahat ng posibleng aksiyon kay Pangulong Marcos.
Ayon kay Clavano, walang pagbabago sa paninindigan ng gobyerno sa ICC jurisdiction pero kinakailangan na maging handa sa anumang senaryo.
"Wala naman po nagbago no? Yun na nga lang, may awareness po tayo na pwedeng magbago. And we have to be prepared for all of this. Tayo ay Department of Justice and as any legal team would tell you, you really have to consider all the options. May plan A ka, may plan B, all the way to Plan Z," ani Clavano.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment