Sinalakay ang isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip ng 186 na mga Pinoy at dayuhan sa Angeles City, Pampanga noong Martes nang gabi.
Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police (PNP) ang nasabing POGO Hub sa Lucky South 99 na matatagpuan sa Grand Palazzo Royale, Friendship Highway, Angeles City, Pampanga dahil sa ulat na ginagamit umano ito sa human trafficking.
Ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio, dinakip dito ang 126 Chinese, 29 Pinoy, 23 Vietnamese, apat na Malaysian, apat mula sa Myanmar at isang Korean.
Ani Casio, bukod sa nahuling mga empleyado ay nasagip din sa lugar ang isang Chinese na umano'y biktima ng kidnapping.
May nakita ring isang kuwarto na umano'y ginagamit na torture area ng mga lalaking dayuhan.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment