Tinutugis ngayon ng pulisya ang sampo pang sangkot kabilang ang isang ex-councilor ng Maynila sa umano'y kidnap-for-ransom (KFR) kungsaan nakatakas ang dalawa sa apat na biktimang foreigners, na naganap Linggo ng madaling araw, Hunyo 2, 2024.
Kaugnay nito, iprinisinta sa Camp Crame ni Interior and Local Government Secretary Benjamin "Benhur" Abalos, Jr. ang naunang inarestong mga sangkot sa KFR na sina Police Major Christel Carlo A Villanueva alyas "Tatoy", intelligence officer ng Pasay City Police Station; Senior Master Sgt. Angelito David alyas Goliath ng Makati City Police Station Motorcycle Unit; Staff Sgt. Ralph Tumanguil alyas "Tom" ng Regional Logistics Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO); at Master Sgt. Ricky Tabora alyas "Bong" ng Regional Headquarters Support Unit sa NCRPO.
Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang iba pang at-large na sina alyas "Mike" na isang Immigration officer at tinuturing na lider ng grupo; alyas Erik (planner) na dating konsehal ng Maynila; alyas Mon (abductor/planner); alyas Ramon (abductor) na tatay ni alyas Mon; alyas Bryan (abductor); alyas Spider (abductor); at apat na John Does na kinabibilangan ng isang lalaking Chinese national; isang Malaysian national at dalawang Filipino na pawang abductors.
Kinilala ang mga biktima na sina Meng Zhao, 29; at Yang Zhuan Zhuan, 30, mga Chinese national na parehong nakatakas; Tan Heng Fei, 25, Malaysian national; at Zhi Yi Xuan, 32, Chinese national, na parehong sinaktan at pinakawalan nang makapagbigay ng tig-P2.5 milyon bawat isa.
Naganap ang pagdukot sa apat na foreign nationals 12:20 ng umaga sa kahabaan ng Taft Avenue, Barangay 44, Pasay City kungsaan nakasakay ang mga salarin sa isang Lexus sedan (NEC-1768).
Sinita ang sasakyan ng mga biktima ng dalawang PNP motorcycle riding cops, habang isang grupo naman ang bumaba na sakay ng silver/white van na nakabuntot sa mga biktima at pilit na pinosasan ang mga biktima at dinala sa undisclosed area.
Hunyo 3, 6:05 ng umaga nang pakawalan ang dalawang biktima nang magbigay ng kabuuang ransom na P5 milyon ang mga pamilya ng biktima.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasagawa ng backtracking ng pulisya sa iba pang pang nakatakas na mga suspek.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment