SANTA ROSA CITY - Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Arlene Arcillas ng lungsod na ito sa isinagawang Global Youth Summit Laguna sa SM Santa Rosa nitong ika-15 ng Hunyo, taong kasalukuyan. Kasabay ng alkalde sina Amor Salandanan ng CENRO, An… | Serbisyo Balita News Online June 21 | SANTA ROSA CITY - Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Arlene Arcillas ng lungsod na ito sa isinagawang Global Youth Summit Laguna sa SM Santa Rosa nitong ika-15 ng Hunyo, taong kasalukuyan. Kasabay ng alkalde sina Amor Salandanan ng CENRO, Angill Ra ang Regional Representative for East Asia ng Global Peace Foundation, at iba pang mga tagapag-salita. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng higit-kumulang 500 kabataan mula sa iba't-ibang mga lugar.  Sa naging talumpati ni Mayor Arcillas, binigyan diin nito ang pangaral ni Gat. Dr. Jose Rizal na ang kabataan ay siyang pag-asa ng bayan. Ayon sa alkalde, malaki ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Dala ng modernong teknolohiya ay kaalaman, mas lumalawak ang oportunidad para sa mga ito na mas pag-ibayuhin ang kanilang mga talino at kakayahan upang hubugin ang isang mas maganda at mas mapayapang kinabukasan para sa sanglibutan. Aniya, ang mga kabataan ngayon ay dapat maging bukas ang kamalayan sa Environmental Protection at World Peace. Nasa kamay ng mga kabataan ngayon ang magiging kalalabasan ng kinabukasan ng bawat saling-lahi. Idinagdag pa nito na pinaka-mahalaga ay ang pagsulong at pagtitibay ng pandaigdigang kapayapaan.  Ang nasabing aktibidad ay naglalayong maitaguyod at mapalawig ang kapayapaan sa buong mundo, ang pangangalaga sa kalikasan, at pagpapalakas sa kakayahan ng mga kabataan. At ayon kay Mayor Arlene Arcillas, patuloy niyang susuportahan ang anumang mga programa at aktibidad na makakatulong sa paghubog sa mga kabataan upang ang mga ito'y maging kapakipakinabang sa lipunan at maging mga mahuhusay na bagong lider ng bawat komunidad. (Ulat ni: LAARNI BARAIRO) | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment