Matapos ang 15 takes, pumasa na ang isang Ilonggo vlogger na si Renante Morano Villasis sa kalalabas lang na March 2024 Licensure Examination for Teachers (LET).
Sinabi ni Renante sa isang panayam na pangarap niya talagang maging isang lisensyadong guro.
Hindi rin daw nawalan ng pag-asa si Renante, 42-anyos, kahit pa man paulit-ulit siyang kumukuha ng pagsusulit at paulit-ulit ding hindi nakakapasa.
Taong 2014 nang magtapos sa kolehiyo si Renante sa Northern Iloilo State University sa kursong Bachelor in Secondary Education Major in Filipino.
Lagi niya raw naman pinaghahandaan ang bawat pagkuha niya ng exam ngunit talagang hindi pa raw iyon para sa kanya. Dahil sa lakas ng loob, kuha lang siya ng kuha hanggang sa maka-15 takes siya na kung saan pumasa naman siya.
Nagbigay naman ng payo para sa mga aspiring licensed teacher si Renante na huwag mawalan ng pag-asa.
BECCA DANTES – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment