Mahigit P392 milyon ang natuklasan na discrepancy ng Commission on Audit (COA) sa pagsusuri nito kamakailan sa Malabon City.
Sa Annual Audit Report ng COA para sa Malabon ng 2023, binigyang-pansin ng COA ang lokal na pamahalaan dahil sa 'di kapani-paniwalang' Cash in Bank (CIB) figure na isinumite nito sa estate audit.
"Ang accuracy, existence, at validity ng year-end balance ng Cash in Bank account na umabot sa P2.183 bilyon ay hindi kapani-paniwala," ayon sa sulat ng COA kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.
Dahil sa discrepancy na P392.859 milyon, batay sa balanse ng cash book ng Malabon, sinabi ng COA na ito'y sanhi ng 'di pagkakasundo ng mga datos. Ang cash book ay isang financial journal na naglalaman ng lahat ng cash receipts at disbursements, kasama ang bank deposits at withdrawals.
May discrepancy na P24.877 milyon din na natukoy ang COA nang itanong sa bangko ang CIB ng Malabon City.
Ayon sa COA, ang mga discrepancy ay dulot ng "absence of reconciliation" sa pagitan ng subsidiary ledger (SL) at cash book. Mayroon ding "significant delay" sa paghahanda at pagsusumite ng Bank Reconciliation Statements (BRS), sabi ng COA.
Ito ay "kontra sa Section 74, Chapter 3 ng Presidential Decree No. 1445, Section 181.c ng Government Accounting and Auditing Manual (GAAM), Volume 1 at COA Circular No. 96.011," dagdag ng COA.
Dahil dito, pinapayuhan ng COA si Sandoval na i-require ang City Accounting Department (CAD) na wastong dokumentuhin at i-adjust sa mga libro ang pagkansela ng tatlong bank accounts na idineklara ng Philippine National Bank na sarado.
Inutos din ng state auditor kay Sandoval na i-require ang CAD na regular na maghanda at magsumite ng BRS sa COA sa itinakdang panahon alinsunod sa COA Circular No. 96-011 na petsa October 2, 1996.
Bukod dito, sinabihan din ng COA si Sandoval na i-require ang City Treasury Department (CTD) na irekord sa cash book ang dalawang bank accounts na kinakaltasan ng Land Bank of the Philippines na may kabuuang book balance na P1,087,657.71 at kilalanin sa cash book ang time deposit na nasa LBP na nagkakahalaga ng P1,547,515.39.
Hiniling din ng COA na ang "CAD at CTD ay magsagawa ng regular na reconciliation ng kanilang mga talaan alinsunod sa Section 74, Chapter 3 ng PD No. 1445 at Section 181.c ng GAAM, Volume 1 upang matiyak ang katumpakan, pag-iral, at bisa ng iniulat na balance ng CIB accounts."
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment