Posibleng tumakbo muli bilang gobernador sa Batangas ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, ayon sa asawa niyang si Finance Secretary Ralph Recto.
Inihayag ito ni Recto sa pakikipag-usap niya sa mga miyembro ng MMPRESS o Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc., sa kanyang tanggapan noong June 11, ayon sa report ng Pep.
"She's considering it," ani Recto hinggil sa pagsabak muli sa politika ni Ate Vi.
"'Pag tumakbo 'yun, siguradong panalo 'yun," hirit pa niya.
"Kawawa 'yung lalaban du'n," biro pa ng Finance chief.
Nagsimula ang political career ni Vilma noong 1998 nang maging unang babaeng mayor ng Lipa City, Batangas.
Siya rin ang unang babaeng governor ng Batangas at nagsilbi for three consecutive terms mula 2007. Nahalal din siyang Lipa City representative noong 2016.
Pansamantalang nagpahinga sa politika si Vilma at hindi kumandidato noong nagdaang 2022 elections.
Samantala, ani Recto, posible rin daw sumabak na sa politika ang anak nilang si Ryan Christian sa pagka-congressman o pagka-governor.
"Posible. Ryan may also run for Congress. He might stick in Lipa City. There are two positions probably at stake. One is for governorship, and one is for Congress," wika ni Recto.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment