Sinuspinde na ng Office of the Ombudsman si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at dalawang iba pa ng hanggang anim na buwan.
Nangyari ang suspensiyon matapos magsampa ng kasong graft ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Guo dahil sa kanyang naiulat na pagkakasangkot sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanyang lokalidad.
Ayon kay DILG Undersecretary Juan Victor Llamas, ang mga kaso ay isinampa sa Office of the Ombudsman noong Mayo 24.
Nag-ugat ito sa pagbibigay ng permit sa Hongsheng Gaming Technology Inc. sa kabila ng pagkabigo ng kumpanya na makumpleto ang mga kinakailangan na requirements at pagkakaroon ng expired na lisensya mula Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).
Matatandaan na mariing itinanggi ni Guo ang mga link sa operasyon ng POGO.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment