Inalarma ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga police station kaugnay sa nakatakas na anim na preso sa jail facility sa City of San Jose Del Monte, Bulacan nitong Linggo ng madaling araw.
Sa report, bandang 3:00 ng madaling araw (June 2), nang madikubreng nawawala na ang mga inmates na sina Richard Torillos, 46, may kasong paglabag sa RA9165 at RA 10591; Arturo Çonde, 40; Aaron Capa, 26; Jose Albert Rojas, 24; Jeffrey Santos, 38, at Glenmir Ian Aguilar, 42, pawang may kasong paglabag sa RA9165
Hiniling ng PNP sa lahat ng istasyon ng pulisya na magsagawa ng drag net operation at activate Bulacan Shield Alpha upang agarang maibalik sa kulungan ang mga nakatakas na preso.
Hindi naman idinetalye kung paano nakatakas ang anim na preso mula sa kanilang piitan.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment