Isang Chinese national at limang Pinoy na bugaw ng mga menor de edad at foreign national ang nasakote ng National Bureau Investigation (NBI) sa ikinasang entrapment operation noong Biyernes, Hunyo 28 sa isang condominium building sa Quezon City.
Kasabay nito ay nailigtas ang 11 biktima — pito mula rito ay 13 hanggang 17-anyos na mga batang Pilipina; tatlong Russian national; at isang Kazakhstan national na pare-parehong nasa 30 hanggang 32 anyos.
Sa inisyal na imbestigasyon ng NBI, P5,000 ang presyo ng mga menor de edad, habang P45,000 naman ang benta ng mga ito para sa mga foreign national.
Napag-alaman din ng mga awtoridad na nakapasok ang mga biktimang foreign national sa bansa matapos alukan ng pekeng trabaho ng mga suspek.
Dagdag pa nito, magkasabwat na Chinese at Russian Crime Groups ang nasa likod ng mga naarestong suspek bagama't sa ngayon ay hindi pa nila matukoy kung gaano ito kalaki.
Video
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment