Inaresto ng mga elemento ng Bureau of Immigration (BI) kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang tatlong Chinese nationals na pawang mga illegal aliens.
Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato 'Jun' Manahan, Jr., ang BI at PAOCC, sa pakikipagtulungan ng Clark Development Corporation (CDC) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay isinagawa ang pag-aresto noong June 28 sa loob ng isang villa sa Fontana Leisure Park, Clark Freeport Zone.
Nabatid sa ulat na nagsimula ang operasyon dakong 6:30 p.m., kung saan ang CDC ay nagsilbi ng notice of no occupancy permit sa target na villa. Armado ang mga operatiba ng mission order na ipinalabas ni BI Commissioner Norman Tansingco.
Pagpasok sa villa ay hindi mahanap ang subject pero nakita ng mga immigration operatives ang tatlong Chinese individuals na kinilalang sina Huang Shuzhen, 23, Chen Qianfang, 46 at Huang Zaicheng, 54
Walang maipakitang dokumento ang tatlo nang siyasatin kaya naman sila ay itinuring bilang undocumented aliens.
Ang tatlo ay agad na inaresto at dinala sa PAOCC facility sa Pasay City.
Nagbabala si Tansingco sa mga illegal aliens na huwag abusuhin ang hospitality ng bansa.
"Government forces are now closely coordinating to locate and arrest aliens who may be staying here illegally," saad ni Tansingco.
"We thank the PAOCC and our partner agencies for supporting our fight against illegal aliens," dagdag pa nito.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment