Pinakakansela ng mga retired Justices kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lisensiya ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa dahil nilalabag nito mismo ang mga regulasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Inirekomenda ng grupong 1Sambayan sa Pangulo na atasan ang PAGCOR para agad kanselahin ang lisensiya ng POGOS sa bansa dahil taliwas ito sa mga panuntunan at mga patakaran ng ahensiya.
Sa open letter ng 1Sambayan sa Pangulo, in isa-isa ang mga dahilan kung bakit dapat kanselahin ang lisensiya ng mga POGO sa bansa.
Sinabi ng grupo na mismong ang Chinese embassy sa Manila ay nagsabing sa ilalim ng kanilang batas ay illegal ang ano mang uri ng sugal na pinapatakbo ng mga Chinese sa ibang bansa, at umapela pa sa gobyerno na i-ban ang lahat ng POGO na nakatuon sa Chinese market.
Binigyang-diin ng mga dating hukom na ang pagbibigay ng lisensiya ng PAGCOR sa Chinese POGOS ay paglabag sa sariling regulasyon ng ahensiya na nagbabawal na irehistro ang offshore website at ma-access sa teritoryo ng Pilipinas kung saan bawal ang online gaming.
Malinaw anila na ang POGO ay illegal sa China kaya dapat hindi ito inisyuhan ng lisensiya ng PAGCOR para mag-operate sa Pilipinas kaya dapat na ikansela na ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Kabilang sa mga lumagda sa liham para sa Pangulo ay sina dating Supreme Court Justices Antonio Carpio, Conchita Carpio Morales, Howard Calleja, Heidi Mendoza, Diwa Guinigundo, dating Senadora Leila de Lima, at Bishop Dan Balais.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment