Siyam na Chinese nationals na pawang iligal na nagtatrabaho sa bansa ang inaaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang nasabing mga dayuhan ay dinakip habang lulan ng tatlong motorboats at dumaong sa ParaƱaque Fishport, sa Brgy. Dongalo, ParaƱaque City noong Hulyo 29.
Sinabi ni Tansingco na ang mga lalaking Chinese ay inaresto ng mga ahente ng intelligence division ng BI, sa pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay BI intelligence division (ID) Chief Fortunato 'Jun' Manahan, Jr., ilang buwan silang nagsagawa ng surveillance at intelligence gathering matapos makatanggap ng mga ulat na ang mga Chinese nationals ay sumasakay at bumababa sa mga barko sa Manila Bay.
Dahil dito nagpalabas ng mission order ang BI at isinagawa ang operasyon kung saan nadakip ang mga dayuhan na nakilala sa pangalang Li Weilin, Liu Peng, Wang Yong, Huang Haibing, Gong Yuan Ju, Zhang Tao, Dai Guang Yuan, Li Jiang Yu, at Kang Tian De, kapwa nasa 33-anyos hanggang 54-anyos.
Apat sa mga dayuhan ang napag-alamang may mga pasaporte at may hawak na 9G visa na ipinetisyon ng isang engineering company sa Pilipinas, habang ang natitirang lima ay napag-alamang undocumented.
"We have reason to suspect that these individuals are engaging in illegal work in vessels along Manila Bay. Their visas limit their work to a company in Pasay City and nowhere else. Foreign nationals with valid working visas, if found to be working in a different company, are violating the conditions of their stay," sabi ni Tansingco.
Kasunod ng pagkahuli, ang mga nadakip na dayuhan ay inilipat sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.
"This operation is a clear message that we will not tolerate foreign nationals abusing their stay in the country. We remain vigilant in our efforts to protect our borders and maintain order," saad ni Tansingco.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment