Hinamon ng mga senador si Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman at CEO Alejandro Tengco na pangalanan ang dating Cabinet secretary na pumadrino sa ilang scam farm na sinalakay ng mga awtoridad kamakailan.
Ayon kay Senate President Francis "Chiz" Escudero, kung hindi umano papangalan si Tengco ang naturang opisyal, sina Senadora Risa Hontiveros at Senador Sherwin Gatchalian ang magsisiyasat sa dating Cabinet official upang malantad ang pangalan nito.
"Pagcor should name the "official!" If not, Committee chaired and headed by Sens Hontiveros and Gatchalian should unmask this official (so that not all "former high ranking cabinet officials" will be looked upon with suspicion) and find out if he/she violated any laws," saad ni Escudero.
Ganito rin ang naging panawagan ni Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III. "To be fair to all former cabinet members, Pagcor should reveal the identity of this person, also so the he or she can defend self."
Nitong Sabado, naglabas ng statement si Tengco na handa siyang pangalanan sa tamang forum ang dating Cabinet member na siyang nag-lobby sa illegal POGO, gayundin ang dahilan sa pagdami ng mga illegal at criminal offshore gaming operations sa bansa.
Samantala, sinabi naman ng isang opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na kailangang mahuli ang mga big boss ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga upang maituro nila kung sino-sino ang padrino ng kanilang scam farm.
"Iyan ang magtuturo kung sino ang kanilang protektor," wika ni PAOCC spokesperson Winston John Casio.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment