Agad isinugod sa pinakamalapit na ospital ang isang pasaherong American national matapos itong bumagsak kaninang umaga sa immigration area sa Ninoy Aquino international Airport NAIA terminal 3 ilang minuto lamang matapos dumating sa bansa. Base sa im… | By Headlines Ngayon on July 5, 2024 | Agad isinugod sa pinakamalapit na ospital ang isang pasaherong American national matapos itong bumagsak kaninang umaga sa immigration area sa Ninoy Aquino international Airport NAIA terminal 3 ilang minuto lamang matapos dumating sa bansa. Base sa impormasyon, si Gorge Anderson Bingham, Jr. ay mabilis na nirespondehan ng MIAA medical team para bigyan ng agarang first aid ang pasahero kung saan napag-alaman na bumaba ang blood pressure at oxygen level nito, dahilan ng panghihina ng pasahero. Kasama sa umaalalay sa pasahero ang United Airlines staff at airlines security kung saan agad siyang isinakay sa stretcher para isugod sa Makati Medical Center. Nabatid na dumating ang pasaherong si Anderson dakong alas- 6:46 ng umaga sa NAIA terminal 3 sakay ng United Airlines flight UA-189 mula San Francisco USA. BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment