Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang paghahanap ng buong hanay ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa pangunguna ni Batangas Police Provincial Director Police Colonel Jacinto Malinao, sa dalawang nawawalang Person's Deprived of Liberty (PDL) na inutusan palayain ng korte noon June 21,2024 na nakulong sa Lemery Municipal Police Station sa kasong Robbery dahil sa kakulangan ng ebidensya at nakatakda sanang lumaya noon June 26 ng taon ito.
Kinilala ang mga pinalayang Persons Deprived of Liberty o (PDL) na sina Dennis Manuel Sultan at Rolando Piano Rivera Jr, mga nasa hustong gulang.
Ayon sa salaysay ni Ginang Katrina Sultan, asawa ng isa sa mga preso isang tawag ang kanyang natanggap 3:30 ng hapon galing sa kanyang mister at nagpapasundo na ito para sa kanyang paglaya at muli siyang nakatanggap ng tawag 7:01 ng gabi noon June 26 sa on duty Jailer na si P/Master Sargeant Michael Caringal at para sunduin na ang kanyang mister ng gabing iyon subali't pagdating ng ginang, wala na ang kanyang mister at ang isa pang preso na si Rolando at nakita sa blotter book ni Master Sargeant Caringal na 8:19 ng gabi nang palayain ang mga nawawalang preso.
Dipensa ni Caringal na pinapunta niya ang dalawang preso sa Lobby ng presinto dahil naiinitan ang mga ito sa kulungan at meron ng released order galing ng korte subali't bigla na lang nawala ang mga preso sinubukan naman tingnan ang kuha ng CCTV subali't sira umano noon pang nakaraang buwan.
Ayon naman kay Police Lieutenant Colonel Ronnie Siriban, hindi nila naipagawa ang kanilang CCTV dahil sa kanilang budget sa Management Operational Expenses o (MOE).
Inamin naman ni Police Colonel Jacinto Malinao, na nagkaroon ng lapses at violations ang mga pulis ng Lemery dahil sa pagkasira at pagkawala ng dalawang preso na nasa kanilang kustodiya.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment