Mistulang pinalakas umano ni Vice President Sara Duterte ang mga espekulasyon na mababaw lamang ang pakikiisa nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga sinabi kaugnay ng hindi pagdalo sa State of the Nation Address (SONA).
Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez matapos sabihin ni Duterte na hindi ito dadalo sa ikatlong SONA ni Marcos at itinalaga ang sarili bilang designated survivor.
"Ngayon ay mas nagiging malinaw sa atin ang tunay na intensyon at pagkatao ni Vice President Duterte," sabi ni Suarez sa isang pahayag.
Ang designated survivor na tinutukoy ni Duterte ay mula sa isang Netflix series kung saan pinatay ang mga matataas na opisyal ng Estados Unidos at ang natira lamang upang mamuno ay ang designated survivor.
"Regardless of her intentions, her remark is a reminder of the importance of ensuring the security and safety of the President and other officials in the line of succession," sabi pa ng solon.
Nagpapakita rin umano ng immaturity ang pahayag ni Duterte.
"Offhand, the VP's statements are not what we expected from someone holding the second highest office in the land," sabi nito.
"Ang kanyang pahayag ay nagpapakita ng kakulangan ng maturity na dapat ay taglay niya bilang isang mataas na opisyal ng gobyerno," dagdag pa ni Suarez.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Suarez sa posibleng implikasyon ng naging pahayag ni Duterte sa kaligtasan ng Pangulo.
"It raises a critical question: What are the implications of such a statement for the safety and unity of our government leaders?" dagdag pa nito.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment