"MARAMING-MARAMING salamat Pangulong Bongbong Marcos, Jr.!!!"
Ito ang taos-pusong winika ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos niyang pangunahan ang mga city officials at ang 5,000 barangay tanods mula sa District 5 sa pagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa palaging nakakasama ang Maynila sa programa ng Pangulo.
Ang mga nasabing barangay tanod ang siyang recipients sa pamamahagi ng monetary assistance mula sa "Kadiwa ng Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.," na isinagawa sa pakikipagtulungan ng city government of Manila sa pamamagitan ng office of Mayor Lacuna.
Ang alkalde ay sinamahan nina Vice Mayor Yul Servo, Congressman Irwin Tieng (5th district), Manila department of social welfare chief Re Fugoso at mga city councilors sa distribusyon ng nasabing cash sa mga barangay tanod na ginanap sa San Andres Sports Complex.
Sa kanyang maiksing mensahe, pinangunahan ni Lacuna ang lahat ng naroroon sa pagpapahayag ng kanilang pasasalamat kay Pangulong Marcos, Jr. dahil hindi nawawala sa isip nito ang Lungsod ng Maynila sa tuwing may opurtunidad na mapapakinabangan. Bawat isang tanod ay tumanggap ng P2,000.
Ibinahagi ni Lacuna na nang sabihin sa kanya ni Fugoso ang magandang balita kung saan maglalaan ng pondo ang national govermment sa Lungsod ng Maynila ay agad niyang naisip ang mga Barangay Tanods na kailangang-kailangan ang ayuda.
"Ang sabi ko, bigyan naman natin ang mga tanod kasi parang kayo ang di masyadong napapansin, kaya naman talagang ginawan namin ng paraan sa tulong ng barangay bureau at MDSW. Sabi ko, pasayahin naman natin ang tanod ng buong Maynila," pahayag ng alkalde.
Ibinalita din niya na sinabi ng Pangulong Marcos Jr. na ang nasabing ayuda ay may kasunod pa.
Bago ang distribusyon ng nasabing pondo, ipinahayag ni Lacuna ang kanyang taos-pusong pagtanaw ng utang na loob sa mga barangay tanod: "salamat sa mga taong araw-araw tumutulong sa barangay."
Kapwa isinatinig din nina Servo at Tieng ang pahayag ni Lacuna matapos nilang pasalamatan din ang Pangulong Marcos sa kanyang tulong sa lungsod at sa mga barangay tanod sa kanilang dedikasyon sa serbisyo.
Ayon kay Servo, ang Maynila ay tumatanaw ng utang na loob kay Pangulong Marcos, Jr. dahil laging kasama ang Maynila sa mga proyekto.
Sumumpa rin si Tieng na gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya upang tulungan ang pamahalaang lungsod na makakuha ng kahit anumang tulong mula sa national government.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment