Tinanggap ng Malacañang ang pagbibitiw nina Monetary Board Members Anita Linda Aquino at Bruce Tolentino epektibo noong Hunyo 30.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, dumalo pa sila sa June 27 meeting ng Monetary Board.
Ang pabibitiw ng dalawang MB ang kauna-unahan sa kasaysayan maliban na lang nang nagbitiw si dating BSP Governor Benjamin Diokno para pamunuan ang Department of Finance. Nasa MB na muli si Diokno nang itinalaga si dating senador Ralph Recto bilang Finance Secretary. Simula nang tinatag ang BSP nu'ng 1993, wala pang miyembro ng MB ang nagbitiw ma¬liban sa dalawa.
Nagbitiw sina Aquino at Tolentino sa kasagsagan ng eskandalo tungkol sa ghost employees sa kanilang mga tanggapan na hindi pumapasok ngunit regular na sumusuweldo. Sa BSP pinakamalalaki ang suweldo sa buong pamahalaan at umaabot pa sa 16 hanggang sa 17th month pay ang kanilang kinukubra sa isang taon.
Sabi ng BSP, itinimbre sa kanila ng Malacañang na noong Hunyo 30 epektibo ang pagbibitiw ng dalawa. Ang kanilang mga tauhan na co-terminous ay may 30 araw na extension para sa transition. Ang 30-day transition at extension ay isang patakaran na matagal nang ina-prubahan ng MB.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment