Matapos umuwing "luhaan" ang mga tauhan ng Office of the Senate Sgt. At Arms (OSAA) sa paghahanap kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ikinokonsidera ni Sen. Sherwin Gatchalian na humingi ng tulong sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensiya ng gobyerno upang matunton ang nagtatagong alkalde.
"The operations to find her are ongoing. That's why my recommendation to our security office is to expand [their efforts] and tap other enforcement agencies like the Bureau of Immigration as well as the National Bureau of Investigation. The Senate has collaborated and partnered with other enforcement agencies like the Philippine National Police," giit ni Gatchalian sa isang radio interview.
Tiwala naman ang senador na nasa Pilipinas pa rin si Mayor Guo dahil hindi ito makakalabas ng bansa bunsod ng inisyung hold departure order laban sa kanya.
"Based on our information, she is still here. She wouldn't be able to leave using the country's airports because there is a hold departure order. After the Senate ruled the contempt, the status of the hold departure was immediately set in place. That's why she wouldn't be able to leave the country using our airports because she will be stopped by an immigration officer," paglalahad ni Gatchalian.
Sinuportahan naman ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang kahilingan ni Gatchalian.
"Lahat ng government agencies na meron police powers dapat magtulungan para hanapin si Guo," giit ni Estada.
Noong Sabado, inisyu ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang arrest order laban kay Mayor Guo, tatlong kapatid nito, mga magulang na Chinese, accountant at ang pork barrel scam convict na si Dennis Cunanan.
Ang tanging naaresto lamang ng OSAA ay si Nancy Jimenez Gamo, ang accountant ni Mayor Guo at nakadetine na sa Senado upang paharapin sa pagdinig ng komite sa Hulyo 29.
Sinabi naman na abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na nangangamba ang alkalde sa kanyang kaligtasan sakaling magpakita sa publiko.
"Natatakot siya, marami kasing nananakot sa kanya. Natatakot siya sa security niya saka kung anong puwedeng mangyari kung makulong siya," wika ni David.
Gayunman, pinag-iisipan na umano ni Mayor Guo na dumalo sa susunod na pagdinig ng komite.
"Pipilitin niya, pinag-iisipan niya (dumalo)," ani David.
ATTY EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment