Nasa recovery period pa rin si Angelica Panganiban matapos sumailalim sa hip surgery.
Kinailangan nga niyang magpa-opera ng balakang dahil sa sakit na avascular necrosis or bone disease last week.
Ayon sa actress, nagpa-confine siya noong July 5 at nakalabas siya noong July 10.
Aniya sa kanyang vlog : "Hi guys! It's been a week since we had our surgery journey! We feel a bit anxious about it, but yeah, through prayers from our families and friends nalagpasan namin!" umpisa ni Angelica sa caption ng vlog.
"I'd also like to acknowledge my very good husband na grabe ang pag aalaga! Thanks hon, alam mo na 'yun. First time na pareho kaming wala ni Gregg. We missed our Baby Amila," sabi pa niya.
Pero mas na-excite raw siya kesa ninerbyos sa pinagdaanang operasyon. "Actually mas excited ako. Gustong-gusto ko na itong mangyari, gusto ko nang matapos 'yung nararamdaman kong chronic pain for the past two years," diin niya.
Pitong oras daw siya tumagal ang operasyon. "Nasa recovery room lang ako. Nanghihina. Sobrang sakit. Hindi ko ma-explain 'yung sakit, sobrang sakit," sabi pa niya na makikita mo sa hitsura ang pinagdaraanan.
Pero napasuwerte raw niya sa mister : "Pinakita ko lang na napaka-swerte ko sa asawa ko dahil kahit late niyang nalaman na made in China 'yung napangasawa niya at sobrang sakitin, mahal pa rin daw niya ako."
Ang nasabing operasyon nga ang solusyon upang matanggal ang matinding sakit na nararamdaman niya sa balakang.
"May ginhawa na akong naramdaman finally. Siyempre, masakit 'yung pain from surgery, masakit 'yung mga muscles ko pero it's getting better every day.
"Low dosage na rin 'yung mga pain relievers na iniinom ko. Orally na 'yung mga gamot ko," pagbabalita niya pa sa kanyang vlog.
Inamin niya late last year na may nakita raw liquid sa may singit at doon siya na-advise na mag-therapy. Hindi siya pwedeng uminom ng mga gamot dahil nagpapa-dede pa siya that time. Tyinaga niya raw ang therapy for two months at nakatulong daw pero sumakit ulit.
"Nagkaroon ng isang time na hindi na ako makalakad, sobra akong in pain, iyak ako nang iyak. Dinala ako ni Gregg sa Asian Hospital sa ortho doctor. Doon in-injection-an ako ng PRP (Platelet-Rich Plasma) ito 'yung plasma, ito 'yung blood na kinuha sa atin, tapos may ginagawa sila.... like ilalagay nila sa machine. Tapos magiging ano na siya, tinatawag nila yata, kung 'di ako nagkakamali ay stem cell na siya. So ito ang ginawang gamot, nirekta siya sa nerves ko dito sa hips left and right," naunang rebelasyon niya bago nag-Pasko.
Hanggang nakatulong ito at bumalik sa dati niyang routine dahil gusto niyang makita ang healthy self.
Nung tinuloy niya raw ang workout niya everyday sumakit ulit at doon na siya nagpa-MRI at nadiskubreng meron siyang Avascular Necrosis.
Sinabi niya rin na ang initial solution ay hip replacement pero nag-desisyon silang bumalik sa PRP treatment. "But this time nag-drill sila ng hole at in-inject nila 'yung PRP directly doon sa dead bone ko. Masakit ba ang procedure? Hindi ko inakala na masakit siya. Tulo nang tulo ang luha ko, parang kahit paano nakaramdam ako ng awa sa sarili ko na bakit ako nagkakaganito, bakit ako nagkakaganito, sa akin nangyari ito? Kasi ang cause ng avascular necrosis ay steroid abuse. Kung mapapansin niyo naman never na lumaki ang katawan ko, never akong nagka-muscle sa buong katawan ko."
Binigyan siya ng cord decompression.
"Nag-drill sila ng butas sa buto ko para magkaroon ng blood flow and siyempre para ma-release 'yung tension," patuloy niya sa vlog.
"Kinuhanan ako ng bone marrow aspiration, so sinaksak 'yun sa aking dead bone. May tinatawag din silang BMP (Bone Morphogenetic Protein) which is bone stimulant.
"May PRP pa rin na nilagay, so may tatlong klaseng medicines na nilagay sa 'kin na makakatulong sa pag-slow down ng pag-collapse ng hips ko," lahad ni Angge.
Umaasa ang aktres na magiging okay na siya eventually para hindi na siya umabot sa hip replacement.
"Hopefully talaga, naniniwala akong may milagro na sana hindi na ako umabot sa kakailanganin ko ng hip replacement. Siguro, with care and with proper therapy, prayers, kayanin namin 'to na gumaling talaga siya, mag-heal siya," umaasa pang saad ng aktres na dalawang beses kinasal sa mister.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment