Humingi ng tulong sa Pasay City Police si Sen. Sherwin Gatchalian para imbestigahan ang kumakalat na video sa online na naglalaman ng tahasang pagbabanta sa kanya at kay Senador Risa Hontiveros.
Sa kanyang ipinadalang liham kay Police Major Paul Benjamin Mandate, Sub-Station Commander, sinabi ni Gatchalian ang banta sa kanyang buhay ay may kinalaman sa kanyang aktibong partisipasyon sa pagdinig ng Senado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na konektado kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at pamilya nito.
"On July 4, 2024, I was informed by my staff of a video circulating online containing explicit threats directed at my personal safety and well-being," sabi ni Gatchalian sa kanyang liham.
Kasama sa ipinadala niyang liham sa Pasay Police ang transcript ng nasabing video na in-upload sa YouTube channel ng Pinas Insider na may pamagat na 'Hala! Alice Guo nagbayad ng 10 million para iligpit si Sen. Risa at Win Gatchalian?'
Sabi ni Gatchalian, ang pagpapakalat na nasabing video online ay naghatid ng malaking alalahanin para sa kanyang seguridad gayundin sa kaligtasan ng mga taong nakapalibot sa kanya, partikular ang kanyang pamilya at mga staff.
"In light of these serious threats, I formally request that the Pasay City Police initiate a police report on this matter and conduct a thorough investigation. I urge you to take swift action to ensure the safety of myself and those associated with me," giit ni Gatchalian.
"I am available to provide further information or answer any questions you may have regarding this matter," dagdag pa niya.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment