Humarap sa pagdinig ng Senado ang naging executive assistant ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque at inilahad kung paano niya nakilala at nagkaroon sila ng "working relationship". Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Wome… | By Headlines Ngayon on July 31, 2024 | Humarap sa pagdinig ng Senado ang naging executive assistant ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque at inilahad kung paano niya nakilala at nagkaroon sila ng "working relationship". Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol POGO scam, sinabi ni AR dela Serna na nagsilbi siya bilang executive assistant ni Roque at tumulong sa senatorial campaign nito sa halalan noong 2022. Inamin ni Dela Serna na libre siyang nakakatira sa POGO hub sa Porac, Pampanga dahil umano kay Roque. Nabigyan din umano siya ng share sa POGO na Lucky South 99 pero wala umano itong kapalit. Iginiit pa ni Dela Serna na mga magulang niya ang nagpaaral sa kanya sa aviation school. ATTY EDNA B. DEL MORAL | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment