Hinimok nitong Martes ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang suspendidong Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo na sumuko na sa mga awtoridad.
"Puwede siya makipag-usap, sumuko siya sa Senate, um-attend siya ng hearing. Lahat yan maayos," ayon kay Santiago sa isang press briefing.
Kinukuwestiyon din ang citizenship ni Guo dahil sa hindi tugmang testimonya niya tungkol sa kaniyang background at sa mga dokumento umano na kaduda-dudang tungkol sa kaniyang pagka-Pilipino.
"So kung ako si Mayor Alice, makipag-ugnayan ka na sa Senate nang matapos na itong usapin," ayon pa kay Santiago.
"Sana, ito ngayon, sa pakiusap ko sana naririnig ni Mayor Alice. Hindi siya madedehado kapag sa akin siya sumuko," dagdag pa nito.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment