Binigyan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ng isang buwan ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para arestuhin ang suspendidong Bamban, Tarlac mayor na si Alice Guo.
Ipinahayag ito ni Estrada sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women nitong Lunes, Hulyo 29, kung saan humarap ang ilang opisyal ng NBI at PNP.
Nagbabala si Estrada na tagilid ang panukalang badyet ng NBI at PNP kapag hindi nagawang iharap sa Senado si Guo sa loob ng isang buwan.
"If you can't arrest her within a month baka maapektuhan ang budget n`yo? Ganun din sa police `yan, `pag hindi n`yo mahanap within a month `yan…mahina ang mga intelligence n`yo kapag ganun," sabi ni Estrada.
Ipinagtataka kasi ni Estrada kung bakit mabagal ang pagdakip ng mga awtoridad kay Guo samantalang isa na itong kilalang personalidad sa ngayon.
""You better get your acts together. Kailangang may proper coordination kayo," sabi pa ni Estrada sa mga opisyal ng NBI at PNP na dumalo sa pagdinig.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment