Iginiit ni dating Senador Leila De Lima na dapat umanong mabulok sa bilangguan si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil ito ang utak sa pagkasawi ng maraming inosenteng sibilyan dulot ng inilunsad nitong "war on drugs". Ipinahayag ito ni De Lima… | By Headlines Ngayon on August 1, 2024 | Iginiit ni dating Senador Leila De Lima na dapat umanong mabulok sa bilangguan si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil ito ang utak sa pagkasawi ng maraming inosenteng sibilyan dulot ng inilunsad nitong "war on drugs". Ipinahayag ito ni De Lima sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Human Rights kaugnay sa extrajudicial killings umano sa "war on drugs" ni Duterte. "There is no doubt in my mind that former President Duterte is the mastermind, instigator and inducer of drug war killings. He must be prosecuted and convicted and he should spend the rest of his life in prison," giit ni De Lima sa komite. Nakulong si De Lima sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil sa akusasyon na sangkot sa ilegal na droga ang dating kalihim ng Department of Justice. Pitong taon din itong nakulong bago inabsuwelto ngayong taon sa lahat ng kanyang mga kaso na may kinalaman sa ilegal na droga. ARVIN SORIANO (Ll.B) – NEWS CONTRIBUTOR | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment