Naging pulutan at usapan si Daniel Padilla sa isang showbiz online.
May netizen na nagtatanong sa Youtube channel ng talent manager- vlogger na si Ogie Diaz kung may dyowa na ba si Daniel na ipinalit nito sa ex na si Kathryn Bernardo.
Timing naman na nagkataon na may nag-pm kay Ogie na may dyowaer na raw si Daniel.
Ika naman ng netizens na 'di naman daw big deal kung magkaroon na ng kasintahan ang binata.
Di na raw nakakapagtaka pero maganda rin na manggaling ang kumpirmasyon mismo kay Daniel.
At ibinigay pa nga ang namesung ng bagong karelasyon ni Daniel na si Amanda Zamora raw.
Pero tahimik pa rin ang kampo ni Daniel sa tsikang kumalat na may bago na itong lovelife.
Ayon naman sa manager vlogger, wait na nga lang daw sa sasabihin ni Daniel kung may katotohanan ang mga tsikang naglabasan.
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment