Pinapahalughog ni House Deputy Majority Leader at PBA party-list Rep. Margarita Nograles ang compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City, sa posibleng may nagaganap umanong human trafficking sa loob nito.
"This incident is alarming and underscores the need for a thorough investigation into the operations within the KOJC compound. I urge the authorities to leave no stone unturned in this investigation and to ensure that justice is served swiftly and fairly," pahayag ni Nograles.
Kasabay nito, pinuri ni Nograles ang Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11 sa kanilang agarang aksyon na nagresulta sa pagsagip sa dalawang biktima ng human trafficking
"Human trafficking is a grave violation of human rights, and those responsible, including any accomplices, must be held accountable. The safety and well-being of our citizens, especially the most vulnerable, must always be a top priority," giit ni Nograles.
Binigyang-diin ni Nograles na ang sinumang pumapayag na mayroong nagaganap na human trafficking sa isang lugar ay isang seryosong bagay na hindi dapat palagpasin.
"Pastor Quiboloy did not act alone—we must ask: Who are his accomplices? Those managing the property, those aware of its operations, and those who allowed such crimes against humanity to occur?" tanong ng lady solon.
Matapos humingi ng tulong ang mga kaanak, nailigtas ng pulisya at DSWD ang 21-anyos na lalaking taga-Samar, at isang babae mula sa Midsayap, Cotabato.
Nanawagan ang lady solon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), na pinangungunahan ng Department of Justice (DOJ) na paigtingin ang kanilang mga hakbang sa kasong ito.
Kaugnay nito, hinikayat ng DOJ ang iba pang biktima ng human trafficking ng KOJC na lumantad at 'wag mag-atubiling lumapit sa mga awtoridad kasabay nang pagtiyak ng kanilang seguridad at kaligtasan.
Nais ng DOJ na mas palakasin pa ang inter-agency coordination ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan para masiguro ang pagpapanagot sa mga salarin sa krimen.
Nauna ng itinanggi ni KOJC legal counsel Israelito Torreon na sangkot ang kanilang grupo sa human trafficking.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment