Kinontra ng mga lider ng ng Kamara de Representantes ang patutsada ni Vice President Sara Duterte na political harassment sa kanilang pamilya ang pagdawit sa kanyang mister at kapatid sa isyu ng drug smuggling.
"The truth of the matter is the probe started as early as 2023, where the drug haul in Mexico, Pampanga was worth P3.6 billion. How can it be political? The VP was still in the Department of Education then," sabi ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales III.
Nagkataon aniya na may nakalkal sa pagdinig ng Kamara ang koneksiyon ng umano'y mga drug lord at mga sangkot sa illegal POGO, at isang whistleblower ang nagpahayag ng kahandaan na lumantad at magsalita tungkol dito.
Ayon sa kongresista, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ay lumutang ang pangalan ng mister ni VP Sara na si Atty. Manases "Mans" Carpio at Davao City Rep. Paolo "Pulong" Duterte na iniugnay naman sa nadiskubreng shabu na itinago sa magnetic lifter noong 2018.
Sinabi ni Gonzales na ginagawa ng patas ang imbestigasyon batay sa mga ebidensyang lumalabas at walang nangyayaring witch hunting.
"I think it would be better if the VP just face the issues head on. Why can't they just face Congress? We have already sent our invites. We will be very fair and they are also entitled to that – presumption of innocence until proven guilty," giit pa nito.
Sinabi naman ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez na walang personalan sa ginagawang imbestigasyon ng Kamara.
"Trabaho lang, walang personalan ito. Part of our mandate as legislators is to ferret out the truth. Should we shirk from our sworn duty only because the husband and brother of the VP are allegedly involved in the smuggling of illegal drugs?" sabi ni Suarez.
Hinamon din ni Suarez ang mga nadawit sa drug smuggling na harapin ang mga alegasyon sa Kongreso.
"They don't have to hide. They don't have to make excuses by saying these are all distractions. Face Congress if you have nothing to hide. They can settle the issues once and for all if they make declarations under oath in Congress," dagdag pa ni Suarez.
IKE ENRIQUE - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment