Humarap din sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media ang dating Kapuso singer na si Gerald Santos kasabay ng pagdinig sa kaso ni Kapuso Sparkle artist Sandro Muhlach.
Sa nasabing pagdinig nitong Lunes, Agosto 19, hindi naiwasang maging emosyunal ni Gerald nang aminin niyang siya raw ay ginahasa ng hindi niya pinangalanang musical director.
"Ako po ay hindi na-harass, hindi na-abuse. Ako po ay na-rape po. Handa po akong ikuwento dito ang nangyari. Pero ako po ay natatakot na baka po ako po ay balikan ng mga taong ito," lahad ni Gerald.
Kaya naman, umapela siya ng tulong sa dalawang senador na sina Robin Padilla at Jinggoy Estrada.
"Kung ano po hihingi po ako ng tulong sa inyo, Senator Jinggoy and Senator Robin, upang magkaroon po ako ng lakas ng loob para po masabi ko itong story ko po.
Dagdag pa niya: "For 19 years po, kineep ko lang po ito dahil sa takot ko nga po, sa kahihiyan. Hiyang-hiya po talaga ako."
Kaya naman, ayon kay Estrada, ito raw ang dahilan kung bakit bubuo sila ni Padilla ng committee report para matigil na umano ang mga sexual harassment sa showbiz industry na laganap na raw simula pa noong '90s.
Dagdag pa ng senador: "We will not prevent you for filing rape case against to musical director. That's your prerogative. Seek advice from your lawyer [Atty. Ferdinand Topacio]."
Pero ayon kay Gerald, pinagbigyan lang umano siya ni Topacio ng isang araw para magsilbing legal counsel niya.
"After this po ay talagang ako po ay kailangan ko pong humanap ng aking legal counsel for the case po," aniya.
Matatandaang nagbigay ng reaksiyon si Gerald matapos lumutang ang balita tungkol sa panghahalay umano kay Sandro ng dalawang GMA independent contractors.
ATTY EDNA DEL MORAL
No comments:
Post a Comment