Ipinahayag ni Department of Justice Undersecretary Raul Vasquez sa isang pulong balitaan na dapat manaig ang rule of law patungkol sa operasyon ng PNP laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.
Ito ay sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap ng mga kaugnay na ahensya sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa pastor.
Dagdag ni Vasquez, hindi maaaring kontrahin ng Regional Trial Court ng Davao ang kautusan ng ibang Regional Trial Court matapos maglabas ang Davao City RTC ng Temporary Protection Order patungkol sa operasyon ng kapulisan laban sa KOJC.
Nauna nang sinabi ng DOJ na alinsunod sa batas ang operasyon ng PNP sa inilabas na warrant of arrest laban kay Quiboloy kaya't walang dahilan para maglabas ng protection order.
Pinaalala rin ni Vasquez na may transfer order na mula sa Korte Suprema ang mga kaso kaugnay kay Quiboloy at maaaring makasuhan ang mga mapag-aalaman na tumutulong dito.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment