Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na hindi ito titigil sa pagsisikap na madakip ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy, matapos na muling salakayin ang 30- ektaryang Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City kamakailan lamang.
Magugunita na nitong Sabado ng mdaling araw ay sinimulang halughugin ng mga tauhan ng PNP Regional Police Office 11 ang compound subalit sa lawak nito ay mahigit 30 porsyento pa lamang ang kanilang nasusuyod kung saan naging pahirapan ito dahil sa dami ng nakatayong gusali bukod pa sa ginagawang pagtatangka ng mga tagasunod ni Pastor Quiboloy na pigilan ang isinasagawang law enforcement operation ng PNP.
Kaugnay nito ay inihayag ni PNP-PRO 11 na hindi nila lulubayan ang ginagawang pagtugis kay Quiboloy .
Ito ay sa likod ng banta ng mga taga- suporta nito na lulusob sila sa Malacanang para iprotesta ang marahas na raid na ginagawa ng PNP kung saan sinasabing dalawa na ang nasawi.
Magugunita na sa unang pagsalakay sa compound ni Quiboloy ay may namatay na isang lalaki habang sa pangalawang law enforcement operation ay isang 50-anyos na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ religious group ang nasawi dahil sa cardiac arrest, sa kasagsagan ng operasyon ng PNP para isilbi ang arrest warrant laban sa puganteng lider nito at iba pa na nahaharap sa pang-aabuso at trafficking cases.
Ayon kay Police Regional Office XI spokesperson Catherine Dela Rey, labis ang pagod na naranasan ng lalaki dahil siya ang nautusan na magbantay sa tower ng compound sa magdamag.
Nasa 2,000 pulis ang itinalaga sa KOJC compound, kung saan nagmartsa ang mga pulis mula Camp Quintin Merecido bago magalas-4 ng umaga patungo sa KOJC compound.
Ipinrisinta ni Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, regional police director, ang mga dokumento ng warrants of arrest laban kay Quiboloy.
Naniniwala umano ang mga awtoridad na nasa loob ng compound ang puganteng pastor.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment